Obrero hulog sa gusali,tigok

Isang 45-anyos na construction worker ang nasawi nang aksidente itong mahulog sa 12th floor ng ginagawang gusali, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Patay na nang idating sa Rizal Medical Center ang biktimang si Claudio Lingatong Jr., ng Bagong Silang, Road 5, Quezon City. Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga sa Empire Tower na matatagpuan sa kahabaan ng Ortigas Center, Brgy. San Antonio, Pasig City.

Inaayos umano ng biktima ang mga sand bags na nakalagay sa gilid ng nasabing palapag nang aksidente siyang mahulog. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments