Ayon kay PO1 Samuel Fernandez, may hawak ng kaso, nakaparada ang kulay silver na Land Cruiser model 92 ni Valenciano sa harap ng Genesis Entertainment Office sa may Greenhills Shopping Complex sa Ortigas Avenue sa San Juan nang bigla na lamang itong karnapin ng mga suspect.
Nabatid na nasa loob din ng opisina ang driver ni Valenciano na si John Estinoso nang marinig nitong umandar ang makina ng nasabing sasakyan.
Agad na lumabas ng opisina si Estinoso at natanawan nito ang papalayo nang sasakyan lulan ang dalawang lalaki.
Labis ang pagdaramdam ng singer dahil ang sasakyang ninakaw ang kauna-unahang dream car niya na kanyang nabili mula sa kinita niya sa pagkanta.
Ito ang pangalawang beses na ninakawan ng sasakyan ang tinaguriang Mr. Pure Energy. Ang una ay tatlong taon na ang nakakalipas sa Makati City. (Ulat ni Edwin Balasa)