Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. matapos na iharap nito kahapon sa mga mamamahayag ang 17 hot cars na pormal ng ibinalik sa mga nagmamay-ari.
Anya, ang nasabing mga behikulo ay nakumpiska ng TMG sa loob lamang ng tatlong buwang operasyon ng mga ito mula noong Hulyo hanggang Setyembre 2003.
Ayon naman kay PNP-TMG Director Danilo Mangila na sa kanilang pinakahuling operasyon ay umaabot na sa 49 carnappers ang naaresto, habang 38 namang kaso ang kanilang naisampa laban sa mga suspect.
Sinabi pa ni Mangila na kabilang sa mga naibalik na kinarnap na behikulo ay isang Honda CRV na may plakang WAZ-175 na pag-aari ni Enrique Santiago ng #388 Zaragosa St., Tondo, Maynila; isang Mitshubishi Adventure Wagon na may plakang TWR-577 na pag-aari ni Alicia Punzalan ng Marikina City; isang Honda CRV na may plakang CSP-216 na pag-aari ni Jeanette Tuazon ng Makati City at ilan pang mamahaling sasakyan.
Kugnay nito, sinabi pa ni Mangila na sa sampung big-time carnapping syndicates na nasa kanilang listahan ay apat na sa mga ito ang nalansag sa kanilang mga isinagawang operasyon.
Limang lugar din anya sa kasalukuyan ang kanilang masusing sinusubaybayan na pinagkukutaan ng mga big-time carnapping syndicates kabilang na ang Kalakhang Maynila at ang Quezon City na tinaguriang carnapping capital ng bansa. (Ulat ni Joy Cantos)