Bong at lover kinasuhan na

Pormal nang sinampahan kahapon sa Makati City Prosecutor’s Office ng kasong adultery, attempted homicide at grave threat ang sikat na basketbolistang si Paul ‘Bong’ Alvarez at ang kalaguyo nito matapos mahuli sila sa akto na magkasiping ng mister ng huli noong nakalipas na Oktubre 9, sa Makati City.

Sa dalawang pahinang complaint affidavit na isinumite ni Jorge Alfred Lopez III, residente ng 28 Homonhon St., Barangay Magallanes Village ng nabanggit na lungsod ang sinampahan ng kaso ay ang kanyang misis na si Sarah Lopez at kalaguyo na si Alvarez.

Nakasaad din dito ang mga ebidensiyang magdidiin sa dalawa.

Sinabi ni Lopez na ipagpapaliban umano niya ang pagtakbo sa darating na halalan para mapagtuunan nang pansin ang kasong isinampa niya laban sa misis at kay Alvarez, gayundin para maasikaso ang kanilang dalawang anak.

Inihayag pa nito na handa siyang iurong ang demamda laban sa asawa kung hihingi ito ng tawad at ibabalik ang kanilang mga anak, gayunman tuloy ang kanyang pagkakaso sa basketbolista. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments