Coed patay sa holdaper

Isang estudyante ang namatay makaraang barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect matapos na manlaban kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang biktima na si Daniel Arguel, 18 ng 3367 San Isidro St. Caloocan City matapos na magtamo ng isang tama ng bala ng baril sa batok.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa Quezon City Memorial Circle sa Elliptical Rd. kung saan naglalakad ang biktima kasama ang isa pang kaibigan.

Isa sa mga suspect ang lumapit sa biktima at biglang tinutukan ng baril habang ang isa ay nagsilbing look out.

Tinangka ni Arguel na manlaban subalit bigla na lamang itong pinaputukan sa batok ng suspect.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect dala ang relo at wallet ng biktima. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments