Ayon kay Belmonte, ang raket ng fake receipts ay nabuko nang magkaroon ng verification ang special team ng city treasurers office ng transfer tax payments para sa Land Registration Administration.
Nalaman ng naturang grupo ang ibat ibang fake receipts na hindi dumadaan sa machine validation at ang bayarin para dito ay hindi natatanggap ng naturang departamento. Maging ang lagda ng treasurers office ay napeke rin.
Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte si Supt. Elmo San Diego, hepe ng city hall detachment na sampahan ng kaukulang kaso ang mga taong mapapatunayang sangkot sa sindikato.
Kailangan umano na sa lalong madaling panahon ay maputol na ang modus operandi ng sindikato dahil sa bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bansa dahil dito. Maging ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nabibiktima din ng naturang sindikato. (Ulat ni Angie dela Cruz)