Ang dinakip ay si Dr. Maximo Reyes, medico legal chief ng nabanggit na bureau.
Ayon kay PACER chief, Senior Supt. Alan Purisima, dinakip si Reyes matapos na magreklamo si Dra. Lenet Chan, isang doktor sa Carmen Rosales, Pangasinan.
Binanggit ni Dra. Chan na nagkaroon siya ng problema makaraang isang ginang ang nasawi anim na araw matapos itong magsilang dahil sa pagkawala ng dugo.
Ayon pa kay Chan, lumabas sa isinagawang pagsusuri ni Urdaneta Pangasinan medico legal chief, Dr. Jet. Castro na lost of blood ang ikinamatay ng ginang at dahil dito, pinaghahanda umano siya ng P200,000 bilang bayad para mapalsipika ang records ng ginang at para makaiwas siya (Chan) sa medical malpractice.
Agad namang nagsumbong si Chan sa mga awtoridad at inihanda ang entrapment operation laban kay Castro.
Unang itinakda ang bayaran noong Hunyo 10 subalit hindi ito natuloy dahil sa tumawag umano kay Chan si Castro na kinabukasan na lamang dalhin ang pera sa Manila at personal na iabot kay NBI medico legal chief.
Dinakip si Reyes sa aktong tinatanggap ang marked money. Inihahanda rin ang kaso laban kay Castro. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)