2 pang biktima ng M/V San Nicolas natagpuan

Dalawa pang naaagnas na bangkay ng mga paslit na pinaniniwalaang mga biktima ng lumubog na M/V San Nicolas ang natagpuan kahapon na lumulutang sa dagat sa may Navotas.

Base sa ulat, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bata.

Ang una ay tinatayang nasa gulang na 8 hanggang sampung taon, may taas na 4’5 talampakan, nakasuot ng kulay green na t-shirt na may markang ‘Nikko’ at nakasuot pa ng bronze na bracelet sa kaliwang kamay.

Ang ikalawa naman ay tinatayang nasa 10-hanggang 12 taong gulang. Natagpuan ito na walang pang-itaas na saplot at may suot na kulay asul na short.

Ang labi ng dalawa na pinaniniwalaang pasahero sa lumubog na M/V San Nicolas matapos makabanggaan ang isang Super Ferry 12 ay dinala sa Thadean Funeral Homes sa nasabing bayan. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments