Binasted ng nililigawan nag-amok

Dahilan sa hindi matanggap ang pagkabasted sa dalagang nililigawan, bagsak kalaboso ngayon ang isang 20-anyos na binata matapos arestuhin ng pulisya dahilan sa pag-aamok sa underpass ng EDSA Crossing, Mandaluyong City.

Nagtangka pang manlaban sa mga awtoridad nang dakpin ang suspect na kinilalang si Victor Trinidad, walang hanapbuhay at residente ng Purok 6 Brgy. Alabang ng nabanggit na lungsod.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Virgilio Reyes, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa nang makatanggap ng tawag sa telepono ang Mandaluyong Police hinggil na nagwawalang suspect na armado ng patalim.

Hinaharas umano ng suspect ang mga nagdaraang motorista maging ang mga sibilyan.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na binasted ang suspect ng dalagang kanyang nililigawan kaya nag-inom ito ng alak hanggang sa magwala sa underpass. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments