7-anyos kinidnap, ipinatutubos ng ama

Isang 7-anyos na batang babae ang iniulat na dinukot ng kanyang sariling ama ay ipinatutubos sa halagang P3,000.

Base sa ulat ng CPD-Station 3 nakilala ang biktima na si Angeline Mabini, grade 1 pupil at naninirahan sa Phase 1, Package 2, Blk 18, Lot 10 ng Bagong Silang, Caloocan City.

Samantala, nakilala naman ang kidnaper na ama na si Michael Abedes, 27, ng 25-A Dinar St., JEM-9 Subdivision, Tandang Sora, Quezon City.

Base sa reklamong iniharap ng ina ng biktima na si Hilda Mabini naganap ang pagdukot sa kanyang anak noong Biyernes dakong alas-2 ng hapon sa pinapasukan nitong paaralan sa Bagong Silang Elementary School, Annex Building, Caloocan City.

Noong una umano hindi nabatid kung sino ang responsable sa pagdukot sa bata, subalit kahapon ay nakatanggap siya ng text message buhat sa ama nitong si Michael na umamin na nasa kanya ang kanilang anak at ibabalik lamang sa kanya kung magbibigay siya ng halagang P3,000.

Nagsasagawa ngayon ng operasyon ang CPD sa ikadadakip ng suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments