Ayon kay Chief Inspector Ramon Marquez ng CPD-Traffic Sector 5, ang mga biktima na isinugod sa FEU General Hospital ay sina Artemio Cayaban, driver ng passenger jeep; Ma. Fedelina Floreda; Lucita Ramos; Marivic Sumadal; Alma Sacuminez; Nelson Regulbert, Jonathan Bardilla; Bobby Herrera; Evelyn Aleno; Shirley Garavilles at Rina Madelo, 35, ng Unit 7 Lower Nawasa, Brgy. Commonwealth, ng nabanggit ding lungsod.
Si Madelo ay kasalukuyang inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng nasabing ospital matapos na mabagok ang ulo sanhi ng pagkabangga.
Inaresto naman ang suspect na si Richelle Caldero, 35, driver ng Original Transport Bus na may plakang NYN-321.
Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Venus Ormita, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling- araw sa tapat ng Diliman Preparatory School sa Commonwealth Ave., Q.C.
Mabilis umano ang pagtakbo ng bus ni Caldero at hindi nito napansin ang nag-overtake na pampasaherong jeep na may plakang PWL 287 na minamaneho ni Cayaban.
Dahil dito nabundol ang jeep hanggang makaladkad pa ito ng bus.
Si Caldero ay kakasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple serious physical injuries. (Ulat ni Doris Franche)