Sa pitong pahinang desisyon ni QCRTC Judge Teodoro Bay ng Branch 86, si Eugene Ho Chua, tubong Fookien, China ay hinatulang mabilanggo ng habambuhay matapos mapatunayang lumabag sa Section 15 ng RA 6425.
Lumilitaw sa rekord ng korte na naganap ang pagdakip sa akusado noong nakalipas na Pebrero 20, 1999 sa Quezon City makaraang bentahan nito ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng may isang milyong halaga ng shabu.
Samantala, habambuhay ding pagkabilanggo ang inihatol ng Caloocan City Regional Trial Court sa isang lalaki makaraang mapatunayan ding nagkasala sa pagtutulak ng droga.
Base sa 16-pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Dimaranan-Vidal ng branch 127 ang hinatulan ay si Philip Dilao.
Sa rekord ng korte, si Dilao ay nadakip sa isinagawa ring buy-bust operation sa Caloocan City-Drug Enforcement unit noong Hulyo 19, 2002 sa Bagong Barrio, Caloocan City.
Hindi kinatigan ng korte ang alibi ng akusado na itinanim lang sa kanya ng mga pulis ang nakuhang droga matapos maglabas ng testigo ang mga awtoridad laban dito. (Ulat nina Doris Franche at Rose Tamayo)