Ito ang iminungkahi kahapon ng grupo ng mga operator at tsuper ng mga jeepney na nakabase sa Southern Metro Manila.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang MMDA chief dahil sa ibat iba niyang proyekto na lumikha ng ibat ibang opinyon sa publiko.
Ipinagtanggol naman ng mga opisyal sa MMDA ang kanilang boss kasabay nang pagsasabing may pagka-wirdo man ang panukala nito, nalulunasan naman ang mga pangunahing suliranin sa Metro Manila.
Sinimulan ni Fernando ang proyekto sa paglilinis sa mga lansangan, kung saan tuluyan niyang itinaboy ang mga sidewalk vendor na humantong pa nga sa buhusan ng gasolina.
Naging kontrobersiyal din ang panukala nitong i-flush na lamang sa inidoro ang mga basura.
Ang dress code sa mga barker o taga-tawag ng mga pasahero sa jeep.
May plano pa rin itong ipatupad ang odd and even scheme sa mga pampasaherong bus at ang pinakahuling pinag-aaralan ay isama sa ipinatutupad na color coding ang mga pampasaherong jeep.
Samantalang maraming umalma partikular na sa transport group matapos suspendihin ni Fernando sa loob ng tatlong linggo ang color-coding, nakakuha naman siya ng kakampi sa ganitong aksyon.
Pinapurihan naman ni Surigao del Norte Congressman Robert Ace Barbers ang hakbangin ni Fernando na sa pamamagitan umano nito ay matutuklasan kung epektibo ang nabanggit na traffic management scheme.
Sinabi pa ni Barbers na ipinatupad ang scheme na hindi nalalaman ng taumbayan kung ito nga ay may malaking epekto sa dami ng mga sasakyang tumatakbo sa kalakhang Maynila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)