Kinilala ni Chief Inspector Bart Bustamante, hepe ng follow-up division ng QC police ang umanoy utak sa krimen na si Ralph Lester Roxas, 18, ng Rambas Builder na natunton ng pulisya sa Luzon Avenue, Barangay Balara sa nabanggit na lungsod.
Kinasuhan na ng pulisya ang naturang suspect sa Quezon City prosecutors office kasama ang unang nadakip na barkada nito na si Jesus Austero, alyas Niño, 19, tricycle driver.
Ang dalawang nabanggit ay sinasabing sangkot sa pagpaslang sa missionary na si Myrnaloie Beebe, 58, American citizen at sa katulong nito na si Jovielyn Parejo, 21, ng 13 Viola St. Dominic Subdivision, Culiat, Quezon City.
Si Roxas ay pamangkin ni Beebe na sinasabing nagselos dahil inuna pang pag-aralin nito ang katulong na hindi naman nila kamag-anak.
Matapos patayin, ninakawan pa ng mga suspect ang biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)