Lover ng negosyante dinukot

Dinukot ng hindi pa nakikilalang grupo ng mga kidnaper ang isang 27-anyos na dalaga na umano ay live-in partner ng isang negosyante sa Mandaluyong City.

Inireport kahapon sa Mandaluyong Police Station ni Salvio Narvaez,49,may negosyong buy and sell ang pagdukot umano sa kanyang live-in na si Myla Buenavente,accounting clerk at tubong Ocampo, Camarines Sur.

Sa salaysay ni Narvaez sa pulisya, pumasok si Buenavente dakong alas-10 ng umaga noong Miyerkules sa kanyang trabaho sa Fast Trax Corp sa Blumentritt St.,San Juan at simula noon ay hindi na ito nakauwi.

Nakumpirma lamang umano ni Narvaez na dinukot si Myla nang ito ay mag-text sa kanya ng " Tulungan mo ako mahal ko,dinukot ako ni Nelson,itinago niya ako sa QC".na umano ay nakasilip ng pagkakataon upang ipabatid ang kanyang sinapit.

Sa kasalukuyan ayon kay Narvaez na wala namang hinihinging anuman ang mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments