Nalaman ito mula sa abogadong si Reynaldo Dizon na dinulugan ng mga naagrabyadong kompanya.
Nauna nang nagsampa ng demanda laban sa CBCP ang Spinbase International na ang hindi nasisingil na pautang sa CBCP ay umaabot ng P20 milyon.
Ayon kay Dizon ang mga kompanyang dumulog sa kanya ay binubuo ng mga maliliit at katamtamang laking negosyo. Ang mga kompanyang ito, aniya ay hindi makakayanan ang malaking kawalan dulot ng di nabayarang utang ng CBCP.
Kabilang dito ang Quadpro na may pautang na P12 milyon at Terrabyte na may pautang na P17 milyon. Ang mga ito ang nag-supply ng mga computer at computer hardware sa CBCP.
Ang mga transaksiyong ito ay ginagarantiyahan umano ng CBCP ayon sa inaprobahang resolusyon noong Disyembre 1, 1999.
Umaabot umano sa P300 milyon ang pagkakautang ng CBCP na dapat bayaran.
Nagmamatigas ang CBCP na huwag bayaran ang utang dahil ito man umano ay isang biktima ng mag-asawang Enan at Mardie Lim na nagpasimuno sa proyekto.