Ayon kay QC Jailwarden Supt. Emilio Culang, hindi nila matitiyak ang seguridad ni Estrada sakaling dalhin ito batay na rin sa rekomendasyon ng prosecution panel na ilipat na lamang ito sa kulungan matapos na mahuli sa aktong naninigarilyo sa compound ng Veterans Memorial Medical Center sa kabila ng sinasabi nitong pananakit ng kanyang dibdib.
Inamin din ni Culang na hindi sapat ang kanilang personnel upang bigyan ng sapat na seguridad si Jinggoy lalo pat marami ding sumusuporta sa pamilya nito.
Bukod dito, sinabi pa ni Culang na wala na rin namang mapaglalagyan kay Jinggoy dahil crowded na ang lahat ng mga selda sa QC jail.
Maging sa pagbibigay ng escort dito tuwing maghi-hearing ay magkakaroon din sila ng problema dahil ang ratio ngayon sa jail ay 1-5 o isang jail personnel sa limang preso.
Gayunman, kung iutos ito ng korte ay wala silang magagawa, kailangan lamang na abisuhan sila ng maaga upang makagawa agad sila ng precautionary measures. (Ulat ni Doris Franche)