Ayon kay Metro Manila police chief, General Reynaldo Velasco na nag-oorganisa ang kanyang tanggapan ng mga 'clustered security personnel' na magsasagawa ng pagpapatrulya sa bisinidad ng mga eklusibong paaralan.
Nagsasagawa na rin sila ng pakikipagkoordinasyon sa mga security officials ng bawat paaralan para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa pag-atake ng mga kidnaper.
Nauna nang humiling ang Federation of Association of Private Schools Administration (FAPSA) ang pagdedeploy sa mga pulis sa bisinidad ng kanilang mga paaralan sa Metro Manila.(Ulat ni Joy Cantos)