Eat Bulaga binalaang aalisin sa ere ng MTRCB
September 5, 2002 | 12:00am
Nagbabala kahapon si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Marilen Dinglasan na tuluyang ipapatigil ang airing ng noon-time show na Eat Bulaga kung hindi titigil ng mga hosts nito na sina Joey de Leon at Vic Sotto sa kanilang "kabastusan".
Sinabi ni MTRCB chief Dinglasan nang dumalo ito sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on public information and mass media na pinamumunuan ni Sen. Tito Sotto, hindi mangingimi ang kanyang tanggapan na ipatigil ang airing ng Eat Bulaga kung magpapatuloy sa pagbigkas ng mga "double meaning word" na bastos ang mga host nito.
Partikular na tinukoy ni Dinglasan ang na-monitor nilang August 5 episode ng Eat Bulaga sa Channel 7 kung saan ay pinakakain ng ari ng baka ang mga contestant nito sa segment na Sige Ano Kaya Mo! (SAK Mo!).
Magugunita na binalaan ng MTRCB ang Eat Bulaga dahil sa portion SAK Mo!, partikular ang pagpapakain sa mga contestant ng daga.
Aniya, hiningi pa niya mismo ang opinyon ni Health Secretary Manuel Dayrit ukol dito at tumugon ang kalihim na mapanganib sa kalusugan ng tao ang pagkain ng daga, palaka at iba pang hayop.
Winika pa ni Dinglasan, sa kasalukuyan ay ang isyu lamang ng pagsasalita ng bastos ni Joey de Leon sa ere ang kanilang binibigyan ng babala at hindi ang sinasabing paggiling ng pagsasayaw ng mga Sex Bomb dancers. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest