Kaugnay nito, pansamantala munang hahalili kay Vicencio si Vice Mayor Jay Jay Yambao na 90 araw na uupo alinsunod sa itinadhana ng batas.
Ang suspension kay Vicencio at sa mga kasamahan nito ay kaugnay sa mahigpit na utos ng Sandiganbayan sa tanggapan ni DILG Secretary Joey Lina matapos na ibasura ng nasabing korte ang kahilingan ng tropa ng una at apat pa nitong opisyales na sina Pio Dudula, Ma. Lida Sarmiento, city treasurer Ernesto Pahustan at Councilor Lauro Borja para sa temporary restraining order (TRO) at motion to squash order.
Ganap na alas-2:30 ng hapon nang i-serve ng DILG ang utos para kay Vicencio kung saan pormal itong tinanggap ng isang staff ng kanyang tanggapan.
Agad namang nanumpa kahapon si Yambao sa harapan ni Judge Rosa Reyes ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 74 bilang kahalili ng suspendidong alkalde. (Ulat ni Rose Tamayo)