Itoy matapos katigan ng DOJ ang naging desisyon ng OSG na tumututol sa petition for nullify of marriage na inihain ni Mayor Marquez laban sa aktres.
Lantarang sinuportahan kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez ang naging desisyon ng OSG na hadlangan ang petition for annulment of marriage nina Joey at Alma.
Sa alinmang usapin ng marriage annulment, tradisyon ng tumututol ang Solicitor General, sa layuning higit na maproteksiyunan ang pamilya bilang isang institusyon.
Kamakailan ay nagsumite ng pagtutol ang OSG sa pagpapawalang bisa sa kasal nina Joey at Alma kay Parañaque City Judge Helen Ricafort na dito ay niliwanag ng mga abugado ng gobyerno na walang batayan at hindi napatunayan ni Marquez ang alegasyon na psychological incapacity ang kanyang asawa.
Samantala, malaki ang paniniwala ni Marquez na mapapawalang bisa ng hukuman ang kanilang kasal dahil nagsumite ito ng bagong ebidensiya na siya ay pinendeho ni Alma sa pagkakaroon nito ng relasyon sa isang Julian Say. (Ulat nina Gemma Amargo/Lordeth Bonilla)