Nakilala ang mga nadakip na sina Willy Rosal Chua, 30, at Joseph Lim, 30. Ang pag-aresto sa dalawa ay isinagawa apat na araw matapos madiskubre ang shabu laboratory sa loob ng isang subdivision sa Quezon City.
Dinedetermina naman ng mga awtoridad kung sina Chua at Lim, kapwa tubong Fujian, China ay kabilang sa sindikatong nag-ooperate sa naturang shabu laboratory na dito, pito ding Intsik ang nadakip ng pulisya.
Base sa ulat, ang dalawa ay sangkot umano sa large-scale distribution ng shabu sa Davao City, General Santos City at iba pang pangunahing siyudad sa Mindanao.
Binanggit pa ni Chief Supt. Ruben Cabagnot, Nargroup officer-in-charge na ang dalawa ay matagal nang sumasailalim sa surveillance ng kanyang mga tauhan.
Binanggit pa sa ulat na ang dalawa ay dinakip sa aktong tinatanggap ang "boodle money" na nagkakahalaga ng P700,000 sa isang undercover agent sa may North Avenue sa Quezon City kamakalawa ng hapon. (Ulat ni Non Alquitran)