Ito ang binanggit ni Maganto sa kanyang open letter kay GMA na nagsasaad din ng kahilingan niya na pagkalooban siya ng puwesto sa gabinete.
Upang makatulong sa pagresolba ng lumalalang krimen sa bansa, tulad ng kidnapping, droga, iligal na sugal, robbery-hold-up, pagtaas ng bilang ng panggagahasa at pagpatay.
Ang nais lamang aniya ng naturang heneral ay makapaglingkod sa publiko at makatulong sa administrasyong Arroyo, ngunit pilit umano siyang tinatapakan ng ilang opisyal na nasa posisyon, partikular sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Nabatid na ang dating SPDO director ay nakatakda nang magretiro sa susunod na taon.
Kasama rin ito sa nag-alsa laban kay dating Pangulong Joseph Estrada at sumama sa Edsa 2, na nag-martsa patungong Malacañang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)