Sa ulat ni Domingo kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang mga naarestong dayuhan ay pawang lumabag sa immigration law ng bansa dahilan upang ang mga ito ay ipatapon.
Karamihan sa mga naaresto ay pawang may kasong overstaying, undocumented o nagtatrabaho sa bansa ng walang working visa.
Iniulat din ni Domingo na 20 sa mga naaresto ay pawang mga pugante sa kanilang mga bansa at anim dito ang hinihinalang mga terorista.
Kabilang dito ang mga Indonesian na sina Fathru Rohman Al-Ghouzi, na umaming may kinalaman sa 2000 Rizal Day bombings, Agus Dwukarna, Abdul Jamal Balfas at Jamsid Lim na nahulihan ng mga eksplosibo sa NAIA noong Marso 13 at ang dalawang Jordanians na sina Nedhal Falah Awwad Al-Dhalain at Ahmad Abdellaiff Jubran, isang suicide bomber na responsable sa 1993 bombing sa San Pedro Cathedral sa Davao. (Ulat ni Andi Garcia)