Kaso ng milyunaryong namaril ng nurse, dinismis

Pinaniniwalaang milyong pisong halaga ang naging areglo ng milyonaryang ginang na pumatay sa private nurse ng kanyang asawa matapos tuluyang i-dismis ng piskalya ng Las Piñas City ang kasong murder na isinampa dito.

Ayon sa tanggapan ni Las Piñas City State Prosecutor Mario Mangrobang, tuluyan nang ibinasura ang kasong murder na isinampa laban sa suspek na si Mary Beth Lopez-de Leon, 57, nakatira sa #104 Dan St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

Matapos magsumite sa tanggapan ni Mangrobang ng affidavit of desistance ang pamilya ng biktimang si Belma Andrada, 43, may asawa, taga #16 Chico St., Golden Acres, Brgy. Talon, Las Piñas City.

Ayon sa isang mapapagkatiwalaang importante na tumangging magpabanggit ng pangalan, nabatid na ang pag-atras umano ng pamilya ni Andrada sa kaso, dahil inareglo umano ang mga ito ng milyong pisong halaga ni de Leon.

Matatandaan na si Andrada nabaril at napatay ni de Leon noong Abril 12, dakong alas-7:30 ng umaga sa panulukan ng Elizalde St. at Tropical Avenue, BF International Resort Village ng nabanggit na lungsod. Matapos tumangging magbigay ng impormasyon ang biktima sa suspek. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

Show comments