Nakilala ang nasabat na suspect na si Pendaton Ramos Sarip.
Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi kamakalawa nang masakote ng mga tauhan ni Mimel Talusan, chief ng Arrival Operations Division ng BoC-NAIA ang suspect matapos dumating sa bansa lulan ng eroplanong Cebu Pacific galing sa dating Crown Colony.
Nabatid na nagtungo sa counter 10 na tinatanuran ni Customs Examiner Wahab Pangadaman si Sarip para sa kaukulang clearance ng kanyang customs declaration form nang mapuna ang kahina-hinala nitong kilos bitbit ang kulay pulang hand bag at back pack na kipkip nito.
Pinabuksan umano ng examiner sa pasahero ang kanyang bag, subalit tumanggi ito.
Nagkaroon nang pagtatalo sa pagitan nina Pangadaman at Sarip kayat namagitan ang duty supervisor na si Silveria Salazar at inimbitahan ang pasahero sa in-bound section.
Sa isinagawang pagsusuri at imbentaryo sa nilalaman ng mga bagahe ng pasahero, tumambad sa mga awtoridad ang may 200 piraso ng ibat-ibang uri ng cellphones at mga cellphone battery.
Ang mga mobiles phones na tumitimbang ng 23 kilo ay kaagad na sinamsam ng mga awtoridad. (Ulat ni Butch Quejada)