Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga tauhan ng NCRPO ang isa sa mga galamay ni Lumbao na bumibili sa isang bakery dakong alas-2 ng madaling araw at nang sundan ito ay humantong sa isang apartment na siya umanong pinagkutaan ni Lumbao kung kaya hindi nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad at ito ay dinakip.
Si Lumbao ay sinampahan ng kasong rebelyon sa sala ni Manila Regional Trial Court Branch 27 Judge Teresa Soriaso kung saan walang inirekomendang piyansa para dito.
Agad din itong iniharap sa korte 12 oras matapos na maaresto ay pagharap nito ay matinding tensyon naman ang ibinunga nang lumusob sa korte ang may isang libo niyang tagasuporta.
Nakasagupa naman ng mga ito ay may 50 riot police. Isa ring radio reporter ng Angel Radio na nakilalang si Leo Palo ang minalas na masugatan sa naganap na karahasan.
Si Lumbao ay sinamahan ng abogado ng PMAP na si Rick Valmonte na agad nagharap ng Writ of Habeas Corpus sa korte para sa pansamantalang kalayaan nito.
Pinayagan naman ng Manila Judge ang kahilingan ng PNP na iditine si Lumbao sa Camp Crame sa kadahilanang seguridad.(Ulat nina Doris Franche,Andi Garcia at Jhay Mejias)