Water boy napisak sa water tank

Isang 28-anyos na lalaki ang nasawi matapos itong mabagsakan ng tangke ng tubig kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Ang biktima ay nakilalang si Richard Tibayan, binata, delivery man, driver ng Edverlyn Water Delivery at residente ng No. 15357 Sto. Niño Extension, Moonwalk, Parañaque City.

Ayon kay PO2 Valentino Cortum ng Criminal Investigation Division (CID) ng Parañaque City Police, naghatid ng tubig ang biktima sa bahay ng isa sa kani- lang kliyente sa 54 Sto. Niño Street.

Naglalagay ng tubig sa tangke ang biktima at tiningnan niya ito kung puno na.

Hindi inakala na punong-puno na ng tubig ang tangke kaya ito ay bumigay at nabagsakan ang biktima.

Kaagad na dinala sa Olivarez Medical Center, ang biktima pero agad din naman itong nalagutan ng hininga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments