Malakas sumigaw ng balut, sinaksak

Ospital ang binagsakan ng isang balut vendor matapos na ito ay saksakin ng isang hindi kilalang lalaki na naingayan sa malakas na pagsigaw ng kanyang tinda kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang biktima ay nakilalang si Benjie dela Cruz, 26, balut vendor, nakatira sa Purok 2, South Daang Hari, Coco Village, Taguig ay nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) sanhi ng saksak sa likod ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa pulisya dakong alas-11 ng gabi sa PNR site, Brgy. San Martin de Porress ay nilalako ng biktima ang kanyang tindang balut sa pamamagitan ng pagsigaw nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak.

May hinala ang pulisya na naistorbo at naingayan ang suspek dahil sa kakasigaw ng tinda nitong balut. (Ulat ni Lordeth Bonilla )

Show comments