^

Metro

Power generators itatayo ng LRT at MRT

-
Upang hindi mahinto ang operasyon ng LRT at MRT sa tuwing may power outage ay ipagtatayo ito ng sariling power generators.

Ito ang sinabi ni Dept. of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Pantaleon Alvarez kahapon kaugnay ng Luzon-wide power blackout kamakailan na nagpahinto sa mga tren ng MRT at LRT ng ilang oras.

"Pero alam naman natin na ang pagtatayo ng back-up generators para sa MRT at LRT ay medyo matagal-tagal din," ang sabi ni Alvarez.

Ayon sa DOTC chief, maraming paraan upang mapondohan ang pagbili at paggawa ng mga nasabing generators at lahat ng mga paraan na ito’y binubusisi ng ahensya.

Isang proposal naman sa DOTC ang inihain ni MRT-3 general manager Mario Miranda upang mabigyan ng sariling suplay ng kuryente ang MRT di lang para kung magkakaroon ng power outage ang Meralco at Napocor kundi para sa pang-araw-araw na operasyon na rin ng tren.

Sinabi naman ni LRT authority chief Teodoro Cruz Jr. na kahit na walang plano ang LRT na magtayo ng sarili nitong generator, aniya’y pabor silang makisosyo sa kuryente ng sariling generator na itatayo ng MRT.

Idinagdag ni Alvarez na ikinukonsidera ng DOTC ang suhestiyon ni Miranda pati na ang iba pang mga plano. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALVAREZ

AYON

DANILO GARCIA

IDINAGDAG

ISANG

MARIO MIRANDA

PANTALEON ALVAREZ

TEODORO CRUZ JR.

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with