Nakakulong ngayon sa Makati City Jail ang mga suspect na sina Minerva Martin, 36, walang trabaho, at ang pamangkin nitong si Roderick, 18, kapwa nakatira sa #9232 Pateros St., Brgy. Olympia, ng lungsod na ito.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Rey Momoracion ng Drug Enforcement Unit (DEU), Makati City Police, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang asset na ang magtiyahing suspect ay "nagtutulak" umano ng shabu sa nabanggit na lugar.
Nabatid na habang nagbebenta ng droga ang ginang, naghuhubad ito ng kanyang saplot upang makaakit ng mga sugapa na bibili ng droga.
Dakong alas-8:30 ng gabi nang isagawa ng mga kagawad ng DEU ang anti-drug operation sa bahay ng mga suspect matapos mapag-alaman na positibong nagbebenta ng shabu.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 6425, Sec. 16 o Illegal Drug Act ang mga suspect sa Makati City Prosecutors Office. (Ulat ni Lordeth Bonilla)