Hindi na umabot pa ng buhay ang biktimang si Joseph Magsalos, 18, binata, construction worker, ng Blk. 13, Temporary Housing, Vitas, Tondo, Manila, bunga ng dalawang malalalim na saksak ng patalim sa dibdib.
Pinaghahanap naman ng awtoridad ang di-kilalang suspect na tumakas dala ang patalim matapos ang krimen.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni Det. Virgo Villareal, may hawak ng kaso ng Western Police District-Homicide Division, kasalukuyang nagwawala umano ang di-kilalang suspect dakong alas-10:30 ng gabi at nang mapadaan ang biktima ay agad siyang pinagbalingan at pinagsasaksak.
Matapos na mapuruhan ang biktima ay humahalakhak pa umano ang suspect bago tuluyang tumakas. (Ulat ni Ellen Fernando)