Ito ang inihayag ni Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA) President Claire dela Fuente. Tinitingnan umano nila kung makakayanan nila na mapagkasya ang mga gastusin sa kanilang operasyon kahit na nakapagbawas na ng may P1.31 sa halaga ng langis.
Sinabi ni dela Fuente na dahil sa deregulated naman ang pamasahe sa mga airconditioned buses, may sariling kapasyahan na umano ang mga bus companies at hindi na kailangan na magsampa ng petisyon sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Katunayan umano, ilan na sa mga bus companies ang nagbaba ng kanilang pasahe mula sa sinisingil na P9 minimum ay ibinaba ito sa P8. Sinabi rin nito na hindi man lahat ng buses ay nagsagawa ng naturang pagbaba sa pasahe.
Kinukonsidera rin umano ang kompetisyon nila sa Metro Rail Transit (MRT) sa EDSA na humahatak ng maraming pasahero.
Una nang ibinasura ng LTFRB ang petisyon na isinumite ng isang jeepney transport group para ibaba ang minimum na pasahe ng P.50 dahil sa teknikalidad ng kanilang petisyon. (Ulat ni Danilo Garcia)