Ito ang naging babala ng may 1,700 miyembro ng Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa ng PNR sa sandaling pormal na umano nilang simulan ang malawakang kilos-protesta laban kay General Manager Jose Ma. Sarasola II.
Napag-alaman na si Sarasola ay sinampahan kamakailan ng kasong graft sa Ombudsman ni Edgar Bilayon, pangulong kawani ng PNR.
Sa kanyang reklamo, binanggit nito na noong Hulyo 6 at Agosto 9, 2001 ay nag-overprice si Sarasola ng halos 17 milyon dahilan sa pagbili ng mga spare parts ng tren mula sa Dundee Commercial Inc. at Irontrade Enterprises Inc.
Bukod dito, idinadaing din ng mga kawani ng PNR ang umanoy harassment ni Sarasola sa mga kawani katulad ng union busting at puwersahang paglilipat ng puwesto sa ilang opisyal dito at ang umanoy pagmamaniobra nito para suspendihin si Bilayon. (Ulat ni Gemma Amargo)