Janitor nagbigti sa loob ng paaralan

Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng isang pribadong paaralan na kanyang pinaglilingkuran ang isang 18-anyos na janitor, kahapon ng madaling araw sa Navotas.

Nakilala ang nasawi na si Roman Rol, stay-in janitor sa La Naval Academy na matatagpuan sa No.17 Ignacio St., Daang Hari ng naturang bayan.

Nabatid na dakong alas- 2 ng madaling araw nang matagpuan ni Danilo Rol ang bangkay ng kanyang kapatid na nakabitin sa kisame ng recreation hall ng naturang paaralan.

May hinala naman ang pulisya na sa pagitan ng alas-6 ng gabi kamakalawa ng hapon at kahapon ng madaling araw isinagawa ni Roman ang pagpapakamatay.

Base sa pahayag ni Danilo, bago niya nadiskubre ang pagpapakamatay nito ay magkasabay pa silang naghapunan ng kanyang kapatid at wala naman siyang napansing anuman na nagbabalak itong magpakamatay.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matiyak kung walang naganap na foul play sa kaso. Wala ring nakuhang anumang suicide note sa nasawi. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments