Ito ay matapos na aminin ni NFA Administrator Gregorio Tan na malaki ang posibilidad na nagagamit ang kanyang tanggapan sa pamamagitan ng recycling ng mga permits na siyang ipinapalabas ng tanggapan.
Sinabi ni Villar na siyang chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food na malaki ang nawawala sa bansa sa pamamagitan ng buwis dahilan sa kabiguan ng NFA na matukoy kung alin ang mga palusot o hindi.
Batay sa alituntunin ng NFA, kanilang pinapayagan ang mga private rice importers na umaangkat ng bigas sa ibayong dagat ng maximum na 20,000 tonelada bawat taon sa bawat 800,000 tonelada na inangkat ng pamahalaan.
Tinatayang umaabot sa P5 bilyong halaga ng bigas ang naipapasok ng ilegal sa bansa bawat taon na siyang labis na nakasakit sa mga lokal na magsasaka at dumaya sa pamahalaan sa dapat na kunin na buwis. (Ulat ni Rudy Andal)