Nabatid sa Quezon City Fire Station, pasado alas- 2 ng madaling araw ng magsimula ang sunog dahil sa umanoy pagsabog ng isang airconditioning unit ng isang Murito Agudo na nasa 37 Mapagbigay St., Brgy. Pinyahan ng nabanggit na lungsod.
Ang nasabing sunog na umabot sa general alarm ay tumagal ng may tatlong oras.
Nabatid na may 1,000 pamilya naman ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog at ang mga ito ay kasalukuyang nanunuluyan sa Brgy. Pinyahan Elementary School.
Dalawang katao ang iniulat na nasugatan sa sunog, samantalang hindi pa mabatid kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok. (Ulat ni Angie dela Cruz)