^

Metro

Bakit maraming Pinoy ang may osteoporosis

-
Mas gugustuhin pa umano ng mga Pinoy lalo na ng mga kalalakihan na uminom ng beer kaysa gatas dahil sa kaisipan na ang gatas ay para lamang sa mga bata.

Ito umano ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit marami sa mga Pilipino ang mayroong osteoporosis o humihinang buto habang tumatanda.

Ayon kay South Cotabato Rep. Darlene Magnolia Antonina-Custodio na mapanganib din ang pagkakaroon ng osteoporosis kaya nga ang tawag dito ay ‘silent disease’.

Ayon sa pinakahuling survey ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST) ang average consumption ng gatas o mga produktong galing sa gatas ng mga Pilipino ay 44 na gramo lamang, wala pang one-fourth cup sa isang araw.

Ang mababang consumption ng gatas ay dahil umano sa kaisipan na kailangan lamang bumili ng gatas kung mayroong sobrang pera at mas responsibilidad ng mga ina kaysa sa mga ama ang pagpapainom ng gatas sa kanilang mga anak.

Hindi umano nalalaman ng isang tao na masyado nang malaki ang pinsala sa kanyang mga buto dahil sa osteoporosis at bigla na lamang itong matutumba na nagiging sanhi ng fracture o pilay.

Umaabot umano sa 13.6 percent sa mga kalalakihan at 6.9 percent sa mga kababaihan ang nakakaranas ng fracture sanhi ng mahinang buto. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DARLENE MAGNOLIA ANTONINA-CUSTODIO

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

FOOD AND NUTRITION RESEARCH INSTITUTE

GATAS

MALOU RONGALERIOS

PILIPINO

SOUTH COTABATO REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with