Nakilala ang mga nadakip na dayuhan na si Park Jae Ho, isang Korean at ang Hapones na si Ryuki Tanaka. Ang dalawa ay inaresto sa magkahiwalay na lugar ng mga tauhan ng immigrations special operations team.
Si Ho ay naaresto makaraan ang halos tatlong linggo nang siya at isa pang Korean na si Ahn Seok Joon ay bigla na lamang mawala matapos samantalahin ang inisyu ng bureau ng two-day medical pass. Tumakas ang dalawang Koreano sa tulong ng mga corrupt na immigration security guards na nag-escort sa kanila palabas ng jail. Hindi na nakabalik ang dalawa kahit na expired ang kanilang pases.
Base sa isinagawang imbestigasyon, si Ho ay sinasabing nagre-recruit ng iba pang ethnic Koreans buhat sa China na nagnanais na maglakbay sa ibang bansa kahit na kulang ang mga travel documents. Sa halagang $2,500, ang mga Chinese-Koreans ay unang dinadala sa Hong Kong bago sa Manila at dito sila itinatago sa isang safehouse para turuang magsalita at kumilos na isang Koreano. Pagkatapos ay saka sila dadalhin sa US o kaya ay sa Europe.
Samantala, si Tanaka naman ay nadakip sa Ninoy Aquino International Airport. Si Tanaka at tatlo pang Hapones ay sinasabing wanted sa kanilang bansa sa kasong pagnanakaw. (Ulat ni Rey Arquiza)