Sinabi ni Abalos na ilang community leaders umano ng mga Muslim at ilang aplikanteng Muslim ang nagpahayag ng interes na pumasok bilang mga traffic enforcer.
Itinatag din ni Abalos ang isang Muslim Affairs Office na siyang namamahala sa aktibidades ng mga Muslim na mabibigyan ng trabaho.
Bukod sa pagtanggap ng traffic enforcers, ilan pang proposal ang pinag-aaralan ngayon ng MMDA para sa mga Muslim.
Itoy tulad ng paglalagay ng mga stalls para sa mga ito sa mga pampublikong palengke, legal na pagtitinda sa ilang piling sidewalk sa Metro Manila, pagtanggap ng Muslim bilang mga pulis na itatalaga sa mga komunidad nila at buong suporta ng pamahalaan sa Metro Manila Muslim Peace and Order Coordinating Council.
Gayunman, sinabi ni Abalos na hindi umano lahat ng proposal ng mga ito ay madedesisyunan ng MMDA. Nararapat umanong isangguni nila ito sa ibang ahensiya ng pamahalaan.
Tinanggap naman ni bagong talagang Traffic Enforcement Group (TEG) chief, Supt. Luisito Maralit ang plano ng MMDA, gayunman kailangan munang sumailalim sa training ang mga aplikanteng matatanggap. (Ulat ni Danilo Garcia)