Ang pagkakasuspinde kina P/ Supt Edgar Gayas Iglesia, Chief Insp. James Buslig Mejia, Insps. Ceasar Percival, Loquio Pangda, Cristine Meris Tabdi, Preston Kising Bagangan, PO1 Frederick Tango, PO1 Jhon Suela Belatin, Arnold Teruel Solas at Cheerylyn Dangcal Tundayag ay alinsunod sa isinumiting rekomendasyon ng Ombudsman for the Military.
Sa ilalim ng batas, ang preventive suspension na ipinatupad sa 10 pulis ay mananatili hanggang sa ang kasong administratibo na isinampa laban sa kanila ay naresolbahan subalit hindi ito lalagpas sa anim na buwan.
Sinabi ni Ombudsman Aniano Desierto na kinakitaan ng matibay na ebidensya na responsable ang mga nabanggit na pulis sa pagkamatay ng dalawang nabanggit na biktima.
Sina Lozada at Unson ay pinagbabaril ng mga nabanggit na pulis matapos na mapagkamalan ang mga ito na sila ang pinaghahanap na mga kidnappers ni Mark Harry Bacalla na anak naman ng isang dating hukom sa Quezon City. (Ulat ni Grace Amargo)