Senglot nahulog sa gusali ni Erap, todas

Marahil sa sobrang kalasingan, isang 17 anyos na lalaki ang nasawi matapos mahulog sa ikalimang palapag ng gusali ni Erap nang mawalan ito ng panimbang kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Luis Pasiguel, residente ng Pabahay ni Erap Building, No. 365 Aglipay St., Bgy.Old Zaniga ng nasabing lunsod.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Julius Penera, umaga pa lamang ay nag-umpisa ng mag-inuman ang biktima kasama ang ilang kaibigan.

Matapos ang inuman dakong alas 9:30 ng gabi ay nagpaalam ang biktima sa kanyang mga kaibigan na uuwi at magpapahinga.

Hindi umano namalayan ng biktima na siya ay nakarating sa roof top ng ikalimang palapag at sa paghakbang nito ay nawalan ito ng panimbang at tuloy na lumagpak sa lupa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments