Kinilala ang biktimang si Arturo Igmo Caloy, may asawa, nakatira sa Bgy. Marulas, Kawit, Cavite ay nagtamo ng tama sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Samantala, blanko pa ang pulisya sa mga taong responsable sa kamatayan ng nasabing biktima.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Roberto Alipalo ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City police dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa loob ng compartment ng kotse nito na may plakang PRY-352 habang nakaparada sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Bgy. Talon 1, ng lungsod na ito.
Nabatid na ilang mga taong dumadaan ang nakapansin sa nabanggit na sasakyan na nakabukas ang compartment at nasa loob ang isang nakahandusay na tao. (Ulat ni Lordeth Bonilla)