Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Chief Superintendent Nestorio Gualberto ang sumuko na si SPO1 Ruperto Aguilar Nemeno.
Si Nemeno ay lumutang sa CIDG isang araw makaraang mag-isyu ng warrants of arrest si Manila Judge Rodolfo Ponferrada laban sa 22 police officers at civilian agents ng binuwag na PAOCTF na sangkot sa pagdukot at pagpaslang kina Dacer at Corbito.
Ayon kay Gualberto, inihayag na ni Nemeno ang kanyang partisipasyon sa kaso at isinangkot nito ang ilang matataas na opisyal na hindi nabanggit ng mga naunang umaming testigo na ngayon ay nasa kustodya na ng pulisya.
Naniniwala si Gualberto na magkakaroon ng malaking developments sa kaso sa isinagawang pagsuko ni Nememo.
Inamin ni Nemeno na siya ang humarang sa kulay puting Toyota Revo ni Dacer, bago pa tuluyang inilipat ang mag-amo sa isang puting sasakyan noong nakalipas na Nobyembre 24 sa panulukan ng Osmeña Highway at Zobel Roxas Avenue sa Maynila. (Ulat ni Joy Cantos)