Pimple prinoblema, binata nagbigti

Masyadong prinoblema ng isang binata ang lumalaking taghiyawat niya sa mukha na dahilan para maisipan nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Sa pahayag ni Cecilia Talaga, ina ng biktimang si Gulaberto, 30, ng 13-G Roxas st., Bgy. San Jose, wala anya siyang alam na mabigat na dahilan upang magpakamatay ang kanyang anak bukod sa naging problema nito ang lumalaking pimple na tumubo sa kanyang mukha.

Masyadong umanong naiirita ang biktima kapag mayroong anumang tumutubo sa kanyang balat at ng magkaroon ng taghiyawat sa mukha ay di na umano ito mapakali. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments