Bukod sa pagkakulong, nakatakda pang magbayad ng halagang P100,000 bilang danyos ang akusadong si Reynaldo Lababit, 40, nakatalaga sa Philippine Army Intelligence Security Group sa Fort Bonifacio.
Sa 24-pahinang desisyon ni Judge Edwin Villasor ng Branch 265, napatunayang binaril sa mukha at napatay ni Lababit ang biktimang si Ernesto Beltran, may-ari ng isang repair shop, sa loob ng Cafe Videoke Bar sa may Signal Village dakong alas-12 ng gabi noong Hulyo 9, 1999.
Kumakanta umano ang biktima ng sikat na awitin ni Frank Sinatra na "My Way" nang sumigaw si Lababit ng, "Hindi ko matiis ang ingay. Ayoko na dito!" at mag-isang lumabas ng videoke bar.
Ibinasura ng korte ang alibi nito na nagtanggol lamang siya sa sarili kaya niya nabaril ang biktima. Ayon kay Judge Villasor, agad sana siyang sumuko kung pinagtanggol lamang niya ang sarili at isa pa, labag ang pagdadala ng baril ng isang militar sa mga establisimiyento. (Ulat ni Danilo Garcia)