Ito ang sinabi kahapon ng magkapatid na Francisco at Joseph Ong na mayroong nabiling lupa sa Eternal Garden kasama ang may 200 may-ari na hindi makapasok dahil sa binakuran umano ni Alfonso Enriquez na ama ni Laarni.
Ayon sa magkapatid, ang naturang hakbang ay matapos na magsampa sila ng kaso sa Caloocan RTC Branch 126 ng Intervension for Lifting of Temporary Restraining Order (TRO) upang makapasok sa darating na Nobyembre 1.
Napag-alaman na mayroong 13.5 na ektarya ang binakuran ni Alfonso matapos umano itong mabili kay Lilian Sevilla.
Ayon pa sa magkapatid, ang pagsasampa umano nila ng TRO sa korte ay upang mapaalis ang mga harang at mga security guard ni Alfonso na pawang mga armado ng mga shotgun at may nakaharang na armored van habang nagbabantay sa lupang sinakop.
Nangangamba rin ang magkapatid na Ong na maaaring magkaroon ng whitewash sa kaso dahil sa pinagmamalaki umano ni Alfonso na anak niya si Laarni Enriquez na may kaugnayan kay Pangulong Joseph Estrada. (Ulat ni Gemma Amargo)