MANILA, Philippines — A Filipino overseas worker in Fiji Islands finally came home to the country after being harassed by his employee.
In an interview with Philstar.com, Almedo Lopez said he’s happy to finally come home after his unfortunate experience in the foreign land.
Lopez added that he is currently in quarantine but will file a formal report to the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) once he’s cleared.
“Masaya po ako na nandito na ako sa Pilipinas. Ngayon po ay tinatapos ko ang unang bahagi ng aking quarantine dito sa Cebu, sa isang hotel. Sa Linggo po ay babalik na ako ng Manila para mag-home quarantine pa po ng 4 days sa aming bahay sa Laguna. Pagkatapos po niyan ay mag-courtesy call po ako sa POEA at para na rin makapag-file ng formal report laban sa aking employer,” he told Philstar.com.
Lopez narrated the “professional harassment” he received from his employer.
“Ang professional harassment po na ginawa sa akin ay una po, pinipilit po ako na mag-trabaho ng mahigit sa otso oras. Actually po, gusto pa po ng may-ari, mag-trabaho ako ng mahigit ng labindalawang oras. Papasok po ako ng maaga, 6 o’clock nasa planta na ko, tapos na ang production ng 4 o’clock, gusto niya na magtatrabaho ako hanggang alas otso ng gabi, which is labag po talaga sa kontrata,” Lopez said.
“Ang trabaho ko is sa quality control, pero pinagta-trabaho din po ako sa production. Nung una pong sabi sa akin, during lunch break lang para makatulong dun sa staff nila. Eh ang nagyari po, pinagtatrabaho ako sa production hindi lang sa lunch break, buong araw na po akong pinagtatrabaho dun,” he added.
“Again, labag na po yon sa aking kontrata. At dahil din sa may COVID daw po, eh nagbigay po ng kasulatan sa akin at mga kasamahan kong manager na magboluntaryo daw po kung pwede na deduction ng sahod. Naunawaan ko naman yung COVID-19, kaya lang nung tinanong ko iyong kapwa manager ko na kapag hindi daw nagboluntaryo, ang kapalit po niyan ay, kapag hindi ako nag-boluntaryo na 20% deduction, ang kapalit po niyan ay hindi na daw po nila ako papapasukin. In short, mawawalan po ako ng sweldo.”
Apart from being overworked, Lopez said he also received lots of verbal abuse from his employer.
“Bukod pa po don ay panay ang verbal abuse na aking natatanggap. Pinagsasalitaan ako nang hindi maganda, tinatawag akong incompetent, kahit na sinubukan ko naman sundin lahat ng ayon sa utos nila kahit labag na sa aking kontrata. Napakasakit lang po dahil never ko pong naranasan iyon sa dami na ng napasukan kong trabaho,” he said.
Last July, Lopez responded to a survey sent out by the Abizo OFW App, which he had installed on his phone. The Abizo OFW App is a digital monitoring system that forms part of the POEA’s OFW Global Monitoring Pilot Project. It aims to track the accurate number of OFWs at any given time, as well as monitor information on their deployment location, employers, and working and living conditions abroad.
“Nung una po, hindi ko po alam kung paano gamitin iyan. Pero nung itinuro po sa akin ng staff ng AAB, dinownload ko lang po sa Google Play at nag-register po ako, nilagay ko yung pangalan ko, email address at ganon po,” he said.
“Ipinaliwanag po sa akin nang maayos na kung may problema daw po ay i-press ko lang yung red button at pag pinress ko yung red button, ay sabihin ko lang daw po kung ano yung nangyari sa akin, and ganon nga po ang nangyari and pinress ko yung red button and binigay ko yung salaysay ko na kung ano yung sitwasyon ko at humihingi po ako ng tulong. At nagulat din po ako kaagad na wala pa ho sigurong ano, ah, the following day o wala pang isang araw ay nag-reply po kaagad ang staff ng AAB, sa pamamagitan po ni Charlie at saka ni Jomi na nakatutok sa akin araw-araw. Hindi po nila ako pinabayaan,” he added.