Marso 21, 2025
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Maganda ang araw dahil taglay ang malakas na ESP na siyang makakatulong sa paglutas ng suliranin. Paglabanan ang pagpuna dahil ang balik ay sampung doble sa sarili. Iwasan ang mag-alinlangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 17, 22 at aquamarine.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Ipagpaliban ang pagdalaw sa kaibigan. Mapapanatili ang magandang harmony sa pag-ibig kung hindi magseselos. Lucky numbers at color for the day ang 9, 19, 26, 28 at dollar green.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Ihanda ang sarili sa mga pagbabagong mangyayari sa tungkulin. Magsikap at magtiyaga upang magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 10, 14 at peach.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Ang inaasahang tulong na matagal nang hinihintay ay malamang darating. Mabibigyan ng solusyon ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 16, 28 at butter yellow.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Maunlad sa larangan ng negosyo. Iwasan ang anumang paanyaya. Huwag basta maniwala sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 20, 29 at orange.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Malaking pag-asa na magtatagumpay sa pag-ibig. Ang mga bagay na lumihis ay manunumbalik sa tamang landas. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 12, 27 at electric blue.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – May posibilidad na makatagpo ang da-ting kaklase na siyang makakatulong sa pagbago ng takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 19, 23, 29 at maroon.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Magsaliksik o magtanong sa nakakaalam kung hindi tiyak ang gawain o patutunguhan. Huwag magpadalos-dalos. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 21, 24 at cream.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Makakalimutin ka ngayon. Bago umalis, tiyakin ang mga dadalhin para walang makalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 32 at magenta.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Malakas ang iyong makasariling pagnanasa subalit makakabuti kung ilagay sa tamang tao, oras at lugar. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 19, 35 at red.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Ang iniingatang lihim ay malamang mabunyag. Mag-ingat dahil taliwas ang mangyayari sa inaakala. Lucky numbers at color for the day ang 7, 24, 40, 42 at fuchsia.
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20)– Ang binabalak gawin ay dapat ipagpaliban dahil may hadlang at hindi magtatagumpay. Huwag patangay sa emosyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 19, 35 at yellow.
- Latest