Marso 16, 2025
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok para may madukot kung may kailangan sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyayari. Ang magtipid ay kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Sa paraang mahinahon, ang suliranin kasangkot ang ilang kasamahan sa trabaho ay madaling malulunasan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 33 at electric blue.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Kailangan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 32, 39, 42 at pink.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Hindi dapat magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 27 at sun yellow.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Maaaring may payo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at dollar green.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na makapagbubukas ng bagong relasyon sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 19, 29 at emerald green.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Ang komplikasyon tungkol sa salapi sa mga nagdaang araw ay magkaroon ng kalutasan. Dedmahin lang ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 32 at aqua blue.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Ang magsabi ng tapat at totoo ay nagpapatunay ng katapatan sa kapwa at sarili. Huwag magsinungaling. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at honey yellow.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Taglay ang liwanag at malikhaing pag-iisip na angkop sa pagplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 41 at jade green.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Tama ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at kaalaman. Ang pagsaliksik ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 14, 20 at sky blue.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Mag-ingat sa mapagsamantalang tao. Layuan sila. Lucky numbers at color for the day ang1 6, 19, 37 at garnet red.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng mungkahi. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 12, 15 at turquoise.
- Latest